Saturday, October 11, 2008

"LOOK AT THE BRIGHTER SIDE"

     What a tiring sunday! Ang aga ko'ng napagod, hehehe .. I'm not feeling well...siguro ngayon lang dumagsa lahat sa katawan ko 'yung stress 2 weeks ago...parang aftershock! hahaha!
     Hindi naging maganda ang umaga ko kahapon. Paano ba naman kasi...ang aga ko'ng gumising, mga 6:30am, para mag-edit (ulit) at mag-print ng script nang bigla ako'ng nakatanggap ng tawag. Hindi raw muna matutuloy ang unang araw ng dubbing nang isang proyekto na napakatagal naming hinintay! Nung una, uminit talaga ang ulo ko dahil sa lahat nang ayoko ay yung naka-set na lahat para sa trabaho tapos biglang hindi pala matutuloy. Ang hindi pa nakakatuwa, past 9am 'yung tawag! Sa mga oras na 'yan, sigurado ako na ang mga dubber ko na naka-schedule ng 10am ay nasa biyahe na papunta sa studio dahil kilala ako ng mga dubber na ito na istrikto sa oras! At isa pa,manggagaling yung isa sa Antipolo at San Jose Del Monte, Bulacan naman yung isa...Nakakaloka di ba! Tama ang hinala ko, pagtawag ko sa mga dubber na ito, nasa studio na 'yung isa at nasa QC area na rin 'yung isa. Paliwanag dito, paliwanag doon ang ginawa ko at talagang halos matunaw ako sa hiya sa kanila dahil nasayang ko ang oras, pinamasahe o pinang-gas nila dahil pauuwiin ko rin pala sila.Humingi ako ng pasensya sa kanila at mabuti na lang sanay na rin sila sa mga ganitong hindi sinasadyang pangyayari sa industriya.Hayun, ang ending umuwi 'yung taga-Bulacan...pero yung taga-Antipolo? ... May nangyari din namang maganda sa kanya, hehehe....
     Dito pumapasok yung reply nung isang dubber ko pagkatapos ko silang i-text na 'di tuloy ang dubbing..."LOOK AT THE BRIGHTER SIDE", ika nga... Naisip ko kasi, tutal nandon na rin lang 'yung dubber ko na babae...sabi ko sa kanya, "Naku, mare para naman hindi masayang ang punta mo d'yan, maghintay ka na lang ng 12nn!Kasi may pa-audition ang isang bago'ng-bago at sariwa(?)'ng dubbing director para sa isa pang bagong proyekto rin!!!" ... Natuwa naman ang dubber na ito kaya hayun, pati mga anak n'ya pinag-audition n'ya kasi pambata 'yung materyal.Hahahaahahahaha!!!
     Hindi ko rin sinayang ang oras ko sa inis, nag-desisyon kaming mag-asawa na dalawin na lang ang in-laws ko sa Bulacan. Naku, tuwang-tuwa ang mga biyenan ko nang tawagan namin sila na magkita kami dun sa isang mura pero napakasarap na restoran malapit sa bahay nila. Masayang huntahan (kwentuhan 'yan sa salita nila), nakakaaliw na palitan ng kuro-kuro sa mga bagay-bagay at masarap na pagkain... 'yan ang naging kapalit nang inis ko nung umaga...kasi muli ko'ng nakita ang isang pamilya na hindi nagsasawang sumuporta at magmahal sa akin at tinuring akong tunay na anak at kapamilya mula nang ikasal kami ng anak nila...Kung may mga tao ako'ng dapat na ipagmalaki, mahalin at i-respeto, syempre bukod sa mga tunay ko'ng mapagmahal na magulang na sina Mommy Norms at ang pumanaw nang si Daddy Ross (na nami-miss ko rin lately), 'yun ay walang iba kundi ang mga magulang ng asawa ko'ng sina Mommy Lou at Daddy Ogie! Simula nang mahalin ko si Jorge, minahal ko na rin ang dalawang tao na ito. Napakabuti nila sa akin at sa pamilya ko. Hindi nila ako iniwan sa lahat ng laban sa buhay ko at sa buhay naming mag-asawa.
     'Yan na muna sa ngayon...Kailangan ko na ulit harapin ang pagsusulat ng script para sa dubbing...kahit medyo masakit ang likod ko, hehehe...at para sa araw na ito, "LOOK AT THE BRIGHTER SIDE" ang mga katagang ilalagay ko sa puso at isip ko para naman maging productive ako sa mga darating pang araw!


Friday, October 10, 2008

AT LAST!!!! ... SA WAKAS!!!

      At last nakagawa na ako ng blog ko!!! Simula ngayon hangga't may oras at pagkakataon, pipilitin kong makapag-post dito..I LOOOOVE IIITT!!!
     Ang totoo n'yan, super-mega-excited na ako dahil bukas na ang simula ng dubbing ng Dora the Explorer! Sa kabila nang napakaraming pinagdaanang problema, paghihirap at pagod mula sa pagta-translate ng script hanggang sa pagpapa-audition ng mga dubber na lalapat ang tinig sa bawat karakter, heto na...magsisimula na! 
     Whew! Nang mabasa ko ang email kaninang umaga, isa lang ang nasambit ko...THANK YOU, LORD!!! 
    'Yan muna sa ngayon..till next...