Monday, October 13, 2008

Go na go na!!!

Whew! This is it! Tuloy na tuloy na ang first dubbing day ng new project! Blessings, blessings and moooooorrrreee blessingssssss... I'm so excited kasi may mga dubbers akong first time ko'ng maidi-direk like nica,aya and mitchiko...good luck sa kanila, hahahaha!!!
I'm praying na sana maging smooth ang buong araw namin para naman hindi rin nakakahiya sa mga taga-Nick especially kay Red, na bibisita mamaya, hehehe...
All for the best! ... VAMONOS!

MISSING DADDY ...


    Maganda AKO buong araw! hehehe...gusto ko lang i-share yung nangyari kahapon na hanggang ngayon, hindi pa rin namin makalimutan, especially my Mom. Yesterday, we went to SM City...pasyal-pasyal, bili ng mga kailangan ng mga bata...Si Jorge, Paolo, Denise, pamangkin kong si Paula at ang Mommy Norms (nanay ko). Nagyaya ang Mommy sa isang religious store kaya sinamahan ko s'ya sa St. Paul's. So, ayun, hinanap n'ya yung prayer book na kailangan n'ya. Sabi ko, bili na rin s'ya nung bracelet-rosary na may birthstone n'ya. Nung nagbabayad ako sa cashier, biglang naglikot ang mata ko sa paligid...at dahil sa paglilikot ng mga mata ko, natanaw ko 'yung isang poster na likha ng isang napakahusay na artist na si Joey Velasco...Buhay na buhay ang itsura nung poster... Si Kristo na may yakap at inaalalayang isang napakapayat na matandang lalake na mababakas mo'ng malubha ang sakit pero pilit s'yang inaalalayan ni Kristo at makikitang mahigpit ang yakap nang payat na lalake'ng ito ...
     Tinuro ko sa Mommy ko, kay Jorge at sa mga bata ang poster na 'yun...Iisa lang ang nasambit namin ... "kamukhang-kamukha nang Daddy Ross yung lalake" ... Hindi ko naiwasan, biglang nag-flashback sa akin lahat nang mga nangyari noong isang taon bago tuluyang magpaalam at magpahinga ang tatay ko ... 'Yung araw na sinundo ko sila ng Mommy sa bahay nila para itakbo na s'ya sa ospital kasi hirap nang dumumi at hirap sa paghinga...naratay nang ilang araw sa ospital dahil may nakitang bukol sa kanyang bituka...hanggang sa inuwi ko s'yang maayos na ang pakiramdam at nakakalakad na...makalipas ang ilang araw, sinundo ko ulit para sa follow-up check-up, take note, nakakalakad s'ya at nakaakyat pa sa hagdan papunta sa clinic ng doktor n'ya...makalipas ang ilang araw, tumawag ang Mommy sa akin at sabi, "'Yet, puntahan mo na si Daddy, hindi na nakakatayo at sobrang bagsak na ang katawan" ...syempre nagulat ako dahil nung huli naming pagkikita, maayos na s'ya pero bakit ganon ang mensahe ng Mommy sa akin? Hindi ako agad nakapunta kasi me hinahabol akong deadline ng script pero dahil hindi rin ako mapakali, kinabukasan, tutal weekend na, niyaya ko ang mag-aama ko na puntahan ang Daddy...pagpasok ko sa bahay nila, walang kahit sino ang sumalubong sa aming mag-anak...tahimik ang buong bahay at madilim, kasi nga matagal nang putol ang kuryente nila dahil na rin sa kakapusan nang pambayad...dumiretso ako sa kwarto nila at halos bumuwal ako sa panginginig nang tuhod dahil sa nakita ko...ang Daddy ko, nakahiga sa kama, payat na payat, lalong umitim samantalang hindi 'yun ang tunay 'yang kulay, may nakadantay na unan sa hita, tulog na tulog pero nilalangaw dahil sa sobrang init sa kwarto.Napatingin ako kay Jorge at napansin kong hindi rin makakibo ang mga anak ko sa nakita nilang itsura ng Daddy Ross nila. Nagpigil ako ng iyak kahit halos sumabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Dumating ang Mommy, galing pala sa simbahan para kausapin ang Pari na magpapahid ng Santo Oleo (tama ba ako?) at gusto rin daw palang mangumpisal ng Daddy ko...Hindi ako makapagsalita kasi siguradong mababasag ang boses ko at ayokong mahalata ng Mommy ko ang emosyon ko. Ginising ng Mommy ang Daddy at nung marinig ang boses naming mag-iina, dinilat n'ya ang mata n'ya at pilit n'yang inabot ang kamay ko na nakaupo nung mga oras na 'yun sa tabi n'ya.Buti na lang artista ako at nagawa kong pigilan ang matinding emosyon na gusto nang sumambulat nang mga oras na 'yun, hehehe...Sabi ko sa kanya, tumayo na s'ya para makakain at makainom ng gamot. Lalo akong nanlambot nung makita ko kung paano s'ya itayo nang Mommy ko...as in hindi na n'ya kayang umusad mag-isa,pati paggalaw ng kamay at paa ay ginagawa na lang ng Mommy ko para sa kanya. Tumulong ako pero sobrang bigat n'ya kahit na buto't balat na sya...Tama, literal na buto't balat!...Maraming nangyari nang mga sandaling yun at hindi ko na iisa-iisahin dahil bumibigat na naman ang dibdib ko. Nagpaalam na kami sa kanila na uuwi na, dahil me tatapusin pa ako'ng script...tango lang ng tango ang Daddy sa mga bilin ko sa kanya kasi hindi na rin nya magawang magsalita dahil halatang umurong na ang dila n'ya.
     Pagsakay ko sa kotse, hindi ko na napigilan ang sarili ko...tuloy-tuloy ang tulo nang luha ko pero hindi pa rin ako makagpagsalita....
    Nung makita ko ang poster, nangilabot ako...Naisip ko, gano'n kamahal nang Panginoon ang Daddy ko. Pinatawad n'ya at tinanggap n'ya nang buong-buo ang Daddy nung mangumpisal s'ya bago s'ya pumanaw, sa kabila nang mga pagkakamali at pagkukulang n'ya habang narito sa s'ya lupa...at naisip ko rin na parang nire-represent ni Kristo ang Mommy namin na kahit sigawan s'ya ng Daddy,murahin at laging pinapagalitan, hindi nya iniwan ang Daddy ko hanggang sa huling hininga n'ya...Niyakap n'ya lahat nang pagkukulang at pagkakamali ng tatay namin sa kanya. 'Yun ang tunay na pagmamahal...Hay, hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa akin ang maluha kapag naaalala ko ang mga sandaling nakikipaglaban ang Daddy sa sakit n'ya...at habang ginagawa ko ang post na ito...hayun ang Mommy ko sa tabi ng urn ng Daddy...walang kibo, hawak ang rosaryo at nakatingin lang sa isang sulok nang bahay ko...Naaawa ako sa kanya pero mas humahanga ako dahil sa pagiging matatag n'ya sa kabila nang pangungulila n'ya sa asawa n'ya...
     Kaya ang dalangin ko sa Panginoon, bigyan N'ya pa ng lakas ang Mommy para harapin ang lahat nang mga misyon n'ya pa dito sa lupa...Napakabuting tao ni Mommy Norms kaya nandito pa s'ya sa lupa para tuluyang gumabay at magmahal sa aming pamilya n'ya at sa kapwa n'ya...
   At kay Daddy Ross, saan ka man naroroon ngayon, MAHAL NA MAHAL KA NAMIN AT MISS NA MISS KA NA NAMIN...Dalangin namin at sigurado kaming natagpuan mo na ang katahimikan at walang hanggang pagmamahal mula sa Poong Maykapal!