Wednesday, November 19, 2008

daisy ... dora ... happiness!

     Wow! Ang tagal ko'ng hindi nakapag-share...Masyado kasing nakatali ang oras ko sa pagsusulat at pagsu-supervise ng Dora dubbing...Madugo, mahirap, matagal, masaya, malungkot, ah basta, halo-halo'ng emosyon ang project na ito...pero at the end of the day, HAPPY ako kasi bukod sa masayang kasama ang mga dubbers ko, sa totoo lang, ang dami ko'ng natututunan sa project na 'to. Mga basic Spanish terms translated into English and Filipino...ang saya! hehehehe...Kapag gumagaa ako ng script at nalalaman ko ang mga translation at meaning ng mga salitang bago sa pandinig ko, wala ako'ng nasasambit kundi ... "I'M LEARNING, I'M LEARNING!!" ... At pag natapos ko ang script, nakangiti ako kahit na masakit ang lower back, balikat, batok at mata ko, hahahaha!
     'Yan na muna, resume na muna ulit sa script ... DAISY ... DORA ... HAPPINESS!!!