Monday, February 23, 2009

ANG MA-REKLAMO ... BOW!

hindi ko alam kung masasaktan ako o tatanggapin ko ito ng maluwag sa dibdib ko. pero pwede namang pareho,bakit? una, normal na masaktan ako dahil tao lang ako. pangalawa, tatanggapin ko ito dahil alam ko'ng makabubuti ito sa pag-usad ng buhay ko bilang tao.
isang matagal nang kaibigan ang naglakas-loob na kausapin ako dahil daw may mga tao'ng hindi nakakaunawa at 'di lubos na nakakakilala sa akin.may mga tao raw kasi na naka-paligid sa amin ang hindi natutuwa dahil daw masyado ako'ng ma-reklamo...ang akin lang ay ito, hindi naman siguro ako magre-reklamo kung alam ko'ng tama ang mga nangyayari sa paligid.hindi ako magre-reklamo kung wala naman ako'ng nakikitang mali sa mga sitwasyong kinakaharap ng grupo namin.OO, alam ko naman yung "count your blessings", imposible ko'ng makalimutan 'yun, dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, 'yan naman talaga ang nasa isip ko. hindi ko lang siguro talaga kayang pigilan ang bugso ng damdamin ko pag alam ko'ng may na-a-agrabyado na lalo na't mga kasamahan ko mismo sa trabaho at sa grupo'ng sinalihan ko.'ika nga nito'ng kaibigan ko, kilala n'ya ako pero hindi lahat ng tao ay gano'n ang pagkakakilala sa akin kaya hindi nila ako laging maiintindihan.WTF! wala ako'ng pakialam sa kanila.ang akin lang, kung nasasaktan sila o nagre-reak sila sa mga reklamo ko, ibig sabihin, totoo lahat ng sinasabi ko at tagos sa mga buto nila 'yun.
pero ayos lang 'yun, tulad nga ng sinabi ko, tatanggapin ko 'yun dahil baka nga naman sa sobrang ka-"malditahan" ko, hindi na ako nakakapag-preno.pero sana din, huwag ako'ng pigilan ng mga taong makikitid ang utak sa mga gusto ko'ng sabihin at gawin para matauhan sila.hindi nila pwede'ng baguhin ang pagkatao ko dahil lang sa pansarili nilang interes.hangga't may nakikita ako'ng mali, hangga't merong agrabyado, walang pwedeng magpahinto sa mga reklamo'ng bibitiwan ko.kung hindi na nila ako kaya,padalhan nila ako ng memo at madali ako'ng kausap...kung ano'ng solusyon ang gusto nila, sige, gagawin ko pero hindi nila dapat saklawan kung ano'ng tunay na nararamdaman ko.
salamat sa kaibigan ko'ng ito na naglakas-loob na kausapin ako pero patawarin mo ako dahil hindi ko agad mababago ang sinasabi nilang pagiging "reklamador" ko...siguro, unti-unti ko'ng pag-aaralan ang pakiusap mo sa akin, kaibigan.pipilitin ko'ng magpigil, huwag lang sana ako'ng atakihin sa puso sa sobrang pagpipigil, hehehehe...
at sa mga nagpapalaki pa ng issue at kung ano-ano pa ang kinu-kwento sa kaibigan ko, eh manahimik na.hindi ka/kayo nakakatulong.huwag ka/kayong magpapansin at sumipsip.
'YUN LANG...ANG MA-REKLAMO, BOW!"