Thursday, October 8, 2009

"pag may nangyari kay Jorge, alam n'yo na po kung sino ang pwedeng hagilapin"

Dice Lumauig Martires October 3 at 11:33pm Report

bobo mo! tang ina wag ka magpauso ng report kung wala ka mareport! wag ka gumawa ng pangalan sa maling paraan! wag mo sanang mranasan mga nangyari samin pagdating ng araw. sana nakita mo yung kapatid ko na babae na bumaba para makasakay yung senior citizin na sinasabi mo. mararanasan din yan ng mga nak mo! kupal ka! mga apo lang kasama hindi pamilya! tang ina ka! sinisira mo pangalan namin pati dignidad ng vice mayor ng pasig! you shoud have done more research bago ka magreport.

from a certain Von Tan Gan: Von Tan Gana October 2 at 12:04am Report

TANG INA MO JORGE CARINO NG TV PATROL ABS CBN! KUNG WALA KANG MAIBALITA HUWAG KANG MAG IMBENTO NG STORYA AT IKALALAOS MO YAN. PRACTICE RESPONSIBLE JOURNALISM. HAYOP KA SANA MAKARATING SAYO ITONG MESSAGE NATO.! HINDI KITA TITIGILAN! MAG ARAL KA MUBUTI... KUNG PAANO MAGREPORT HA? HNDI PADALOS DALOS. KUNG MAY PROBLEMA KA TAWAGAN MO KO 09178842335. SA AKING MGA KAIBIGAN IKALAT NYO ITONG MENSAHE KO.


Mandel Martires http://www.facebook.com/taga.ilog
JORGE CARINO of ABS CBN FALSE field report SEPT 28 2009
1. Vice Mayor of Pasig PRIORITIZED the RESCUE of his family
2. Vice Mayor of Pasig asked SENIOR CITIZENS to STEP OUT OF RUBBER BOATS to giveway to his family.
FACT AND WHAT REALLY HAPPENED:
1. Family of Vice was stranded 3 days 2 nights while Vice was stranded in Brgy Sta Lucia
2. Vice Mayor got home Monday morning to check house AS A FATHER would do, but left right away to visit other affected areas, while his family got left behind to clean the house 
3. Vice only picked up grandchildren ages 6, 5 & 2 years old AND NEVER asked the senior citizens to get out of the boat, you asshole!!


Friday, March 27, 2009

PACMAN VS. CASTILLEJO VS. ABS-CBN

NAKAKAPIKON...hindi ko maintindihan kung ano'ng problema ni Pacquiao! Hindi ko s'ya iniinsulto o ino-okray. Ang akin lang, sana bago s'ya gumawa ng kahit ano'ng move o magsalita ng kahit ano'ng desisyon n'ya, eh nag-iisp muna s'ya, (sorry to say this-yun eh kung me isip nga s'ya). I'm sorry, Idol ko s'ya dahil hindi naman talaga matatawaran ang galing n'ya sa boxing pero SUSME NAMAN!!!! Eh kung totoo man 'yung sinasabi n'yang Si Dyan Castillejo ang nag-alok sa kanya na bumalik sa ABS, bakit s'ya pumayag samantalang alam n'ya pala na may contract pa s'ya sa ibang network! TA_ _ _!!!! At take note, nagpa-video pa s'ya! Haller!!! NAIIRITA LANG TALAGA AKO! Una, bakit biglang ang Abs at si Dyan ang napapasama sa ka-engotan ng boksingero'ng ito? Eh hindi ba't kahit hindi na Abs ang nagko-cover ng mga laban n'ya, eh hindi s'ya iniwan at pinabayaan ng Dos? Lalo na ni Dyan Castillejo!!!! OH MY GOD, MR PACMAN! Lahat ng pangyayari sa buhay mo ay malinis, maganda at patas na ginagawan ni Dyan ng story kahit saang sulok ka man nang mundo naroroon at ine-ere naman ng Dos. Eh bakit biglang may mga ganito? Aminin natin, kung hindi ka naman ginagawan ng istorya ni Dyan at ng Dos, sa tingin mo kaya sisikat ka nang bongga'ng-bongga?! 'Dong, hindi...magaling ka'ng boksingero, wala nang kwestyon don pero bali-baligtarin mo man ang mundo, NAPAKALAKI NANG NAITULONG NI DYAN CASTILLEJO AT NANG ABS-CBN SA 'YO!

PANGALAWA, gusto ko lang manawagan sa Abs-Cbn...YES, INAAMIN KO, KAPAMILYA AKO! O EH ANO NAMAN NGAYON?! Kaya nga ako nagre-reak ng ganito noh?.. Siguro naman sa kabila nang pinapakita ng network na kabutihan at pakikisama sa boksingero'ng ito, eh nagagawa pa n'yang bastusin ang dignidad ng istasyon, baka naman mas makabubuti kung HUWAG NA LANG S'YANG I-COVER AT PAGTUUNAN NG PANSIN! Tutal naman sa pagkakaintindi ko sa mga statement n'ya eh parang napilitan lang s'yang sabihin na balik-kapamilya s'ya, ABA NAMAN, EH HUWAG NA RIN NINYONG PILITING BUMALIK PA S'YA!HINDI S'YA KAWALAN! HINDI S'YA SI PIOLO, JOHN LLOYD, JERICHO at idagdag pa lahat ng BIG STARS NG ABS-CBN! Nabuo nga nang super ganda ang GALAW-GAWAL STATION ID without that engot eh...hmmmmmp! KAPAMILYA, HUWAG NANG MAGPAGAMIT!

NAKAKAAWA RIN S'YA...kasi nagpapagamit siguro s'ya sa mga tao'ng kumikita sa kanya.Alam ko gusto lang maging fair ng network pero huwag naman sanang umabot pa sa ganito na ang ABS pa ang masama.

HAY NAKU...BRO, KAYO NA PO ANG BAHALA SA KANILA...HINDI PO SIGURO NILA ALAM ANG GINAGAWA NILA...

PAHABOL .... kahit naiinis ako kay PACMAN, GO GO GO pa rin sa darating mo'ng laban ha? hehehehe... SANA MA-KNOCK-OUT MO SI HATTON...sabay gano'n noh? wala namang personalan kasi... hahaha


Thursday, March 12, 2009

BIRTHDAY KO NA!!!!

haaaaaay!!! bday ko naaaa!!! whooohooo!!! ... i'm already 38 pero mukha pa ring 28...wahahahaha!! ... i am so happy, grabe!...nandyan lagi sa tabi ko si jorge at ang mga makukulit ko'ng anak na si pao at denise...sila ang dahilan kung bakit ako nagpupursigi sa buhay at halos 'di ko na iniintindi ang pagod sa pagta-trabaho...sila ang buhay ko...lahat ng pagsisikap at pagsasakripisyo ko ay para sa kanila...kaya tatlo lang ang hiling ko sa Panginoon - malusog na pangangatawan, mas maraming trabaho at mas mahaba pa'ng buhay...'yun bang tipong sapat lang para mapagsilbihan ko pa ang pamilya ko, syempre kasama na ro'n ang mommy ko na iniwan na sa amin ng daddy ko...ah basta, sobrang thankful ako kay Bro sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, mapabuti man o mapasama...dahil sa mga pangyayaring 'yun nananatili ako'ng matatag at masayang namumuhay sa mundo'ng ito...SALAMAT BRO...MAHAL NA MAHAL KITA...

Thursday, March 5, 2009

lonely ... proud ... summer!!!

haaaayyyy ... lonely na naman ako. jorge will be in bacolod for 5 days. well, schooling naman kaya okay lang. para sa kanya rin naman 'yon kaya go go go!
but can't wait to see my overloaded pamangkins sa zambales.will visit them tonight and maglalangoy kami maghapon ng saturday! whew! i'm really proud of these 3 girls. kahit wala na ang papa nila, nagawa pa rin nilang maging maayos ang pag-aaral nila. Karen (eldest) passed the scholarship exam kaya siguradong tuloy-tuloy na ang high school n'ya.Mai (2nd, my inaanak) will be graduating from elementary this 30th of mar and Maro (youngest, carbon copy of her papa) will also be graduating from pre-school and with honors pareho! ang taraaaaay!!! sana magdire-diretso ang sipag nila sa pag-aaral para kahit wala na ang papa nila, magiging maayos at matagumpay pa rin ang mga buhay nila. so loooove these kids kasi iba talaga ang ugali ng mga bata pag laking probinsya. hindi ko ma-explain ng bonggang-bongga pero may pagkakaiba talaga lalo na sa kilos at pananalita (well, syempre bukod sa regional accent, hehehe). ramdam mo yung respeto nila sa matatanda!
ZAMBALES BEACH, HERE WE COME!!!!!!!!!!! ... (mala-Dora) buhangin ... dagat ... SUMMER!

Monday, February 23, 2009

ANG MA-REKLAMO ... BOW!

hindi ko alam kung masasaktan ako o tatanggapin ko ito ng maluwag sa dibdib ko. pero pwede namang pareho,bakit? una, normal na masaktan ako dahil tao lang ako. pangalawa, tatanggapin ko ito dahil alam ko'ng makabubuti ito sa pag-usad ng buhay ko bilang tao.
isang matagal nang kaibigan ang naglakas-loob na kausapin ako dahil daw may mga tao'ng hindi nakakaunawa at 'di lubos na nakakakilala sa akin.may mga tao raw kasi na naka-paligid sa amin ang hindi natutuwa dahil daw masyado ako'ng ma-reklamo...ang akin lang ay ito, hindi naman siguro ako magre-reklamo kung alam ko'ng tama ang mga nangyayari sa paligid.hindi ako magre-reklamo kung wala naman ako'ng nakikitang mali sa mga sitwasyong kinakaharap ng grupo namin.OO, alam ko naman yung "count your blessings", imposible ko'ng makalimutan 'yun, dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, 'yan naman talaga ang nasa isip ko. hindi ko lang siguro talaga kayang pigilan ang bugso ng damdamin ko pag alam ko'ng may na-a-agrabyado na lalo na't mga kasamahan ko mismo sa trabaho at sa grupo'ng sinalihan ko.'ika nga nito'ng kaibigan ko, kilala n'ya ako pero hindi lahat ng tao ay gano'n ang pagkakakilala sa akin kaya hindi nila ako laging maiintindihan.WTF! wala ako'ng pakialam sa kanila.ang akin lang, kung nasasaktan sila o nagre-reak sila sa mga reklamo ko, ibig sabihin, totoo lahat ng sinasabi ko at tagos sa mga buto nila 'yun.
pero ayos lang 'yun, tulad nga ng sinabi ko, tatanggapin ko 'yun dahil baka nga naman sa sobrang ka-"malditahan" ko, hindi na ako nakakapag-preno.pero sana din, huwag ako'ng pigilan ng mga taong makikitid ang utak sa mga gusto ko'ng sabihin at gawin para matauhan sila.hindi nila pwede'ng baguhin ang pagkatao ko dahil lang sa pansarili nilang interes.hangga't may nakikita ako'ng mali, hangga't merong agrabyado, walang pwedeng magpahinto sa mga reklamo'ng bibitiwan ko.kung hindi na nila ako kaya,padalhan nila ako ng memo at madali ako'ng kausap...kung ano'ng solusyon ang gusto nila, sige, gagawin ko pero hindi nila dapat saklawan kung ano'ng tunay na nararamdaman ko.
salamat sa kaibigan ko'ng ito na naglakas-loob na kausapin ako pero patawarin mo ako dahil hindi ko agad mababago ang sinasabi nilang pagiging "reklamador" ko...siguro, unti-unti ko'ng pag-aaralan ang pakiusap mo sa akin, kaibigan.pipilitin ko'ng magpigil, huwag lang sana ako'ng atakihin sa puso sa sobrang pagpipigil, hehehehe...
at sa mga nagpapalaki pa ng issue at kung ano-ano pa ang kinu-kwento sa kaibigan ko, eh manahimik na.hindi ka/kayo nakakatulong.huwag ka/kayong magpapansin at sumipsip.
'YUN LANG...ANG MA-REKLAMO, BOW!"

Tuesday, February 17, 2009

PASASALAMAT, PAG-IISIP, HIGIT SA LAHAT...ANG PASSWORD!

Haaaay life! 'Been so long since i last posted, hehehe. Hirap ng nagiging "seasoned", nakakalimot sa password! hahaha. Anyway, I'm so happy because I know God is with me all the time. After one project, heto na naman ang isa, tapos may overlap sandali, then tapos ulit, then meron ulit. Ang sarap ng feeling..nakaka-stress, nakaka-pressure pero tanggal lahat 'yan dahil alam ko'ng blessings lahat 'yon from God. HE knows I need these projects dahil sa mga taong tinutulungan ko at tumutulong din sa akin. Ang mga taong ito ang nagtuturo sa akin para mas tumibay ang faith ko kay Lord,sila ang nagtuturo sa akin kung pa'no ko tatanggapin at lalampasan lahat ng trials at hirap na hinaharap at haharapin ko pa.Thank you sa inyong lahat! God is Almighty!
I feel so blessed din kasi habang tumatagal, mas nararamdaman ko ang love ng mga anak ko at asawa ko. I dunno, dati kasi lagi ako'ng nag-e-emote kung talaga bang na--a-appreciate nila lahat ng ginagawa ko para sa kanila, ang love na binibigay ko sa kanila, lahat ng sacrifices ko para sa kanila...pero naisip ko na dapat nga pala pag nagmahal ka ng bongga'ng-bongga, dapat wala kang hihintaying kapalit. So, ayun, napagmuni-muni ko na tama ang ganong pananaw para mamuhay ka ng may peace of mind. God is Love!
At ngayong, tanda ko na ang password ko, siguro naman mas magiging madalas na ako'ng magpo-post, hihihihi.
Till next ...


Monday, December 22, 2008

sama ng loob...saya...more blessings...

sama ng loob - nakakasama ng loob dahil sa loob ng ilang buwan ko'ng binuno na bayaran ng hulugan ang cellphone ng mommy ko, kanina ko lang nalaman na naka-block pala sa cell n'ya ang mga message na manggagaling sa number ko...kapikon!...kaya pala kami nagkakaro'n ng miscommunication kasi nga may tao o mga tao na nakialam sa cell n'ya...ito yung tao/o mga tao na alam ko'ng sinasamantala ang kahinaan at kabaitan ng mommy ko para tuluyan na nilang magamit ang mommy ko...well, GOD BLESS HIM/ HER - THEM...confirmed-kaya ako pinagpapala kasi hindi ko kayang gawin ito sa kapwa ko lalo na kung sarili ko pang kapatid/mga kapatid...haaaay...

saya - grabe! ang saya-saya ng xmas party ng lapat-tinig!!! ... minsan ko na namang napatunayan sa sarili ko, sa mga kaibigan ko at sa mga ka-lapat ko na MAGALING PA RIN AKO'NG SUMAYAW!!wahahahaahahhahaaaaa!!!...MERRY XMAS MGA KA-LAPAT!

more blessings - i thank the LORD dahil i know na pagpasok ng year 2009, mas marami pa akong blessings na matatanggap...very positive ang feeling ko dito, sobra!!!...babawi ako next year, hehehe... i'm so happy sa magandang feedback ng tagalog-dubbed na Dora, the explorer at ang pinakabagong magulo, masaya, maingay at nakakaloka'ng anime na Azumanga Daioh, na parehong naka-ere sa TV 5! ... i love it...shake-shake lang tayo dyan! hehehehe...

at syempre pa, happy ako sa family ko...habang tumatagal at araw-araw lalong napapamahal sa akin ang mga anak ko at asawa ko...napapasama man nila ang loob ko kung minsan sa mga pagkakamali nila, wala pa rin ako'ng karapatang magtanim ng galit sa kanila dahil alam ko naman na sa kabila din ng mga pagkakamali at kakulangan ko bilang tao, ina at asawa, mahal na mahal pa rin nila ako...I ALWAYS THANK THE GOOD LORD FOR GIVING ME A LOVING FAMILY...MAWALA NA ANG LAHAT, HUWAG LANG ANG MAG-AAMA KO...

till next post...